Sunday, February 26, 2012

First Post in 2012

I am back. After so long, I am now reviving my blog. I have found my little corner once again. And now that I am ready to share my thoughts, my feelings and my experiences. May God blessed whatever thoughts I want to let the world to know about my life.

Hmm..so tama na ang ingles, ito na ulit si Bakekang. :)

Isang taon ang nakakaraan, dumating sa buhay ko ang isang pagsubok para malaman kung gaano katatag ang relasyon namin ni Popoy. Hindi ko man gusto mangyari ang lahat. Pero marami akong natutunan sa pangyayaring iyon. At gaya lang din ng lahat ng problema or pagsubok na naharap ko. Lagi kong sinasabi sa sarili kong. LILIPAS din ito.

Isang taon, marami na din ang nangyari. Ang buong 2011 ay isang simula ng aming pangarap. Salamat na lang kay Lord at binigyan niya ako ng isang butihing kabiyak para sumuporta sa kung ano man ang nais ko para sa aming pamilya. Salamat kay Lord, dahil binigyan niya kami ng mga pagsubok para patunayan na loyal pa din kami sa kanya. Yey. Promise yan Lord, I shall stick with you no matter what. Please let me to the way you want our lives to be..and we shall follow. :)

Ang simula ng 2011 ay hindi naging maganda ngunit dahil sa tiwala sa Iyo, natapos ito ng may saya sa aking puso. Hehe.

Nasaktan. Nagalit. Nagbago.

Nagsimula. Nagpatawad. Nagpaubaya.

Isa sa pinakamagandang Leksyon ko sa 2011 is the "Art of letting Go".
...letting go of a bad feeling..makes space for a new good feeling..
...letting go of a chased dream..gives you more chances to dream for another things..
...letting go of some people in your life..opens you to new frutful relationships..

Salamat sa isang taon na naranasan ko dahil alam kong hinihubog nito ang pagkatao ko. Hindi ko man mabago ang mga nakasanayan ko na. Salamat po Lord, dahil binigyan mo ako at patuloy na inilalapit sa mga taong makakaunawa ng tunay na ako.

Salamat at ngayon, handa na ako. :D
Balik na ulit si Bakekang sa kanyang paglalakbay. :)
Masayang pagbabasa sa inyong lahat.