Saturday, June 30, 2007

Excitement?!?

Hmmmmm...it has been a long time na din na di ako masyado nakakapag post..mainly because tinatamad lang ako..wat a reason! hehe..another is that I am uber-excited to the 2 new events that will be happening..though one is still unsure and the other is a bit too early to tell..it seems that it has been occupying my whole day, browsing over the net and preparing for the moment when it finally comes..hay..sarap mangarap!
Anyways..ganon talaga eh..after all of the things that is happening, may it be good or bad. We still have to thank Him for all the blessings...may it be a simple or great..that he has given us.
Naiinis lang din ako minsan sa katamaran ko kasi nawawala ang emosyon ko kapag natapos na ang mga kakulitan na umiikot sa isip ko..one thing to describe my feeling right now is uber-excitement! Waaaaaahhh! Sana walang hassle, because I am going to get a bit (a bit lang naman hehe) crazy when this one thing would not pursue as planned (expected). The hand of faith is not within my grasp anymore..it is something that I need to entrust to Him right now..But I really thank God. For the feeling of happiness it brought me. The wonderful feeling of continous dreaming and having the confidence of making it come true. That He has given enough supporters (pipol whom i lurve so much...). I thank Him for making me a Good gurl..waaaahh..a bit again..you know. Hehehe..
Now, that I have to go to work, on a sweet & sunny saturday...hay...got go now! Hope everyone has their own share of happiness everyday..but amidst of those "not-so-good moments"..just keep on smiling and dreaming! you'll never know when the luck might come.
Stay pretty, happy and insprired all the time pipol! =)

Wednesday, June 20, 2007

KARMA!


I promise to announce a major plan regarding something great, then came another one!

OHHHHH! I am so overwhelmed! Hahaha..
Good Girls really deserves Good Karma!

WEEEEEEEEEH!
Happiness!

Wanna know what it is? It is such a Big secret for now! WOOOOHOOOO!

Tuesday, June 19, 2007

Test Result!!!


Weeeh! For the first day of the work- weekm absent ako! Hehehe, may exam kasi ako eh..Nakakatuwa naman ang ganitong result di ba? Feeling ko, may nauto na naman akong kompanya..biro mo, di ko naman natapos kahit yata sa kalahati ng exam na yun dahil nga time constraint eh, nasa upper level pa ako ng exam. Wooohooo! It feels so good, it really do!!! True to it that God will never leave you unhappy for so long, I still have a lot of things to go through. At ang pinakamahirap na sa lahat ay unti unti ng nagpaparamdam. Hay..makakayanan ko ba ito? Sana.. Go lang Bakekang! Magagawan yan ng paraan! Claim it to HIM!!!
So Kayo mga duds? Pano naman nagsimula ang linggo ninyo?

Friday, June 15, 2007

My Fantastic Man!!!

As he said, he will not let me be sad. My sadness is his sadness. Kaya itong aking butihing oder hap, niyaya akong manood ng sine. Syempre! sino ba naman ang tatanggi sa bibihirang pagkakataon na ito? Meron, pero di ako no! Kaya ayun, pag patak ng alas-sais ng gabi, nagmamadali akong mag-punch sa aming napaka hi tech na bundy clock! Lumabas ng masikip na mundo ng may ngiti sa labi...kasi nga makakapanood ako ng libre! Sarap!

Pinanood namin ang Fantastic Four, wala akong ibang natandaan eh..wehehehe..although it is the usual na may mga spaceships, mga mortal powers (tama ba itu? hehe..di ko kasi napanood yun una eh), and some sort of the end-of-the-world thing, may lesson pa din naman, na we should always bear in mind..the simple saying na dapat itanim sa isip ko at mo is..


"We always have a choice."

Oo naman, kaya lahat ng nangyayari sa atin, parte yun ng ating desisyon. Wala tayong dapat sisihin dahil meron tayo laging choices. Although, we may be on that situation wherein there is a "tension of the opposites" quoted from Tuesdays with Morrie, we still has the last say to make our decision. It is either you wanna be happy or sad, poor or rich, young and underpaid, tired and working, yeah! hahaha!

But you know I got one hand in my pocket and the other one is holding popoy's rough hand! Haha..Masaya talaga ako sa maikling oras na kasama ang taong ito! Kaya sa aking hunny..



Teynk Yu Beri Mats, yu nebir feyl 2 meyk may dey!!!!
Ay labs yu mats mats!

Second Stage of my Quest

Nasa Pangalawang yugto na ako ng aking paglalakbay, parang isang application sa isang talent contest, lahat nangangarap na makasama...Sa monday, muli kaming magkikita sa aming ikatlong yugto sa pangarap na ito!

Wish us Best of Luck together with my fellow aspirants!
~ Still Dreaming ~

Sweet ni Daddy

Kanina morning, sabi ni daduts, siya na raw ang magprepare ng baon ni john. Syempre di ako nagpapilit! wehehe..tas after nun, the blog addict that I am now, internet naman ako, habang wait ko si john matapos maligo, then pasok na ako sa work, pinagbalot ako ni daduts ng sanwits! wow! ang swit ni itay...hmmmm....sana masaya ka, sa araw ng mga tatay!

HAPPY TATAY'S DAY DADUTS!!!!
...we are truly proud to be your children...
mon, lyn, joy, jil and john

How can a simple gesture of your dad affects your day?
Please greet him and treat him for this special moment!!!


Thursday, June 14, 2007

Pampalubag ng Loob?!?

Tama ka! Sa kabila ng mga isyu ng mag friend na si Ruffa at Greta, mas binigyan mo ng pansin ang post ko kahapon tungkol sa aking matinding pagdismaya sa regularization ko, at kani-kanina lang ay kinausap na ako ni madam bosing. Pinakita niya sa akin ang kanyang petition letter para sa pag-review ng aking salary dahil nga naman PHPXX,XXX.XX lang ang sweldo ko. O di ba 5-digit yan! Hahaha..Asa akong puro 9 sila... =P.

So ayun na nga at sinabihan niya ako ng kanyang move to request for the increase. May ngiti ako sa aking mukha ng kinakausap ko siya. Syempre may ginawa siya para maipahatid sa kinauukulan ang aking reklamo. Tila nabigyan ng kaunting pag-asa. Pero pag labas ko sa cubicle niya. Di pa rin ako kumbinsido. Balik ako sa lungkot mode. Dahil walang kasiguraduhan ang lahat. Maghihintay pa rin ako. Kung kelan, di ko din alam. Magpapatuloy pa rin akong maglakbay hanggang sa makita ang tunay kong sulok. =)


Wednesday, June 13, 2007

Walang Increase????



Kaninang umaga maaga ako (wahaha!), syempre dahil sa absent nga ako kahapon. Tas, dumating ang aming butihing HR staff. May binigay siyang green paper.
I knew it!!!!
It is the notification for my regularization status..aber! oo nga at regular na ako..matagal din ang anim na buwan na pagtitiis at pangangarap kasi nga ung asking ko before is not within the standard rate..it is way beyond it..kaya sabi ni daduts..tiis lang at kapag na-regular ka baka mapunta na sa standard. Dahil nga ganon na din ang pananaw ko, nagintay ako..
Ng anim na buwan..nagtiis sa mahirap na buhay, araw araw na inaaliw ang sarili sa mahigit isang oras na biyahe patungo sa opisina. Tinitiis ang pagod na dulot nito at inuubos ang mga oras sa pangangarap..


At ngaun nga, natanggap ko..at aber! walang kawenta wenta..ni singkong duling di man lang nadagdagan ang sweldo ko.. pano pa ako aasenso niyan. Talagang nawalan ako ng gana.

Sobra! Di ko alam ang irereact ko eh...nagtiyaga ako at patuloy na nangangarap..hay..may isa pang option..at alam kong alam niyo na yun..pede niyo ba akong tulungan? Hehehe..kakabaliw talaga!!!
Talagang nakakadepress, sabagay, inihanda ko na ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.. pero ang hirap pa din na tanggapin. Tama bang after a year pa ako bigyan ng increase? Ayon as in 69% of the standard rate lang ang sweldo. Kainis talaga!
Hehehe..babawi tayo..dahil eto ang kausap ko na naman si bestfriend Lina, kaya marami pang dapat ausin..I shall maximize the other benefits.
~ para akong baliw na naduduling na sa kakaproject para lang maipakita sa inyo ang pabago-bagong emosyon ko ~

Dream again Bakekang, never ever give up your dreams, soon you will be able to grab it...
Ikaw may ma-ishare ka bang bad trip moment?
let 'em out here..Basta stay happy amidst it all okies! Share it with me, i am willing to listen, bolahan tayo magdamag..wehehe.. =)

Kwentuhan ng Maghapon!

Kahapon, absent ako sa work, naglakwatsa ako.

Kung saan may nakikita akong munting liwanag sa aking sinimulang gawain!

Hmmm...nakatagpo ako ng katulad kong nangangarap. Hehehe..masaya ako kahapon. Dami akong nalaman at madaming na rin natutunan. Panibagong pag-asa ang nabuo sa akin. Marami din kasi akong nakitang mga mata na puno ng pag-asa. Ay! ano ba yan! Gusto kong magwento..kulang ako sa oras..maya na lang sa bahay ulit!

Tuesday, June 12, 2007

Para sa Batang Filipino - KALAYAAN!


Well, today we celebrate our independence day and as part of my contribution to the progress of our country, I wanna share with you the emotions that I felt this day and I strongly disagree that we are not fully independent. Those things that hinder us to become one of the best countries in the world.

I am for you all know. Truly, Deeply and Madly PROUD TO BE A FILIPINO.

How I wish we could do something to ease the burden of our poor countrymen. Kanina lang nakakita ako ng batang babae sa may Jolibee. Tulog lang siya at 7pm sa tapat na store. Di ko siya malapitan. Naawa din kasi ako. Wala akong magawa. Di ko alam. Kung ano ang dapat gawin para sa kanila. We are truly experiencing the continous stability of our peso, pero what is the use when we could not provide the basic needs of our people. I am hopeful that in the end, we shall and we will be able to come out in successful after all these controversies and bad political issues that we are experiencing right now. Ang sakit isipin na may mga batang namamatay dahil sa pagsabog ng isang bomba dahil gusto niya kumita sa bakal na makukuha niya. Sa batang bangag sa solvent at naisipang magpakamatay. Sa mga batang ang palaruan ay mabahong kanal at basurahan, samantalang may nagpapakasasa sa pera na dapat ay para sa kanila.

Nakakalungkot talaga..Sana may magawa tayo, ako at ikaw, sa ating munting kontribusyon, makakatulong tayo para mapalaya natin sila. Kaya natin ito!

Sunday, June 10, 2007

Negatibo

Hay, minsan nakakainis na din..bakit kaya lagi na lang masama ang iniisip niya?

Dala ba yan ng kalungkutan at pag-iisa?

Kaya lang lahat ng kibot ng tao sa paligid niya ay di ok sa kanya. Wala na sa isip ang bukal at taos pusong intensyon ng tao. Nagpaalam naman ng maayos ang toto para makasama si nene..Di nya kinibo, sinabing buti pa iyong si toto, natulungan umalis yung kaibigan na tumulong kay nene hindi and then nalaman niya na di pala, gastos pala ni toto, sinabi naman ginagamit lang yun si nene para lang marating ang gusto nya...Ano na ba?

Kakapagod na din intindihin kasi eh. Wla naman ginawang masama iyong si toto, ang pangit pa din ng iniisip niya. Ano ba ang gagawin ko? Nagmahal naman din siya dati eh..madami pa. Iyon nga lang wala na siyang kasama.. =(

Bakit ba ayaw niya lumigaya ang dalawa? Di naman marunong tumanggap ng paliwanag.

Hay.. Kalungkot talaga.. =)

Saturday, June 9, 2007

Gasgasin na!!!

Nakuha ko na ang aking matagal na inaasam na credit card..wehehe..ano kaya ang dapat gawin sa aking future dilemna!!!

Gasgasin na ito!!! Actually, alam ko naman na madami din ang advantages ang meron nito kaya I really applied for this one. As of now, I dream of buying a digicam, going to Bora AND Bohol and having a new cellphone, pero that would be just a dream kasi may madami pang mas importante para gamitin ang aking bagong kakabaliwan..=)

May tip ka ba para ma-utilize ko ng mga mabuti ang aking credit card? Hehe..share naman dyan..

Thursday, June 7, 2007

~ Focus ~

Ayan, dito ako magsisimula sa panibagong landas na aking tatahakin. Masaya akong maglalakbay. Dapat positive di ba? Hehehe..kailangan lang ng sapat na lakas ng loob at determinasyon!!! Curious ka ba? Saka ko na i reveal kasi di ko pa kaya..hahaha..kaya wait ka lang ha..sumama ka sa aking masayang paglalakbay sa masalimuot na buhay ng isang...secret pa nga di ba?
Positibo akong mangangarap sapagkat sinusuportahan ako ng aking mga mahal sa buhay...Salamat po ha! Kakayanin ko ang lahat at mananatiling matatag para sa inyo!!!

Wednesday, June 6, 2007

Susuko ka na ba?

Sa dami ng naging problema mo sa mga nagdaang araw, buwan at taon..susuko ka na ba?
Sasabihin mo na bang di mo na kaya? Dahil naging paulit ulit na lang din ang nangyayari at nakakasawa na? Hirap ka na bang mangarap? Naguguluhan ka na ba kung sino ang uunahin, ang pansariling kasiyahan o ang kapakanan ng iba? Gusto mo ng umiyak at sumigaw di ba? Di mo lang kaya kasi, iisipin nilang mahina ka. Ang hirap mamili ano? Kasi eentra na naman ako at kukulitin ka kasi madami ka pa din na isipin bukod sa sarili mo. Napakasarap isipin kasi naabot mo na ang gusto mong marating at makuha, pero bakit malungkot ka pa rin? Saan ka nga ba sasaya?


Manalangin ka lang..Un naman di ba ang ginagawa natin sa tuwing napupunta tayo sa ganyang sitwasyon..wag kang makakalimot at siya lang ang tutulong sa'tin.

Nandito ako. Kasama mo. Ikaw at Ako ang tanging magkasama. Wala ng Iba pa.

Nagmamahal,
Ang iyong Konsensiya =(

Monday, June 4, 2007

Siblings Love Quests

Gulong gulo ang utak ko regarding my siblings right now..hay, although I am proud of them as they are doing well now and somehow settled abroad, their challenges of the heart still occupy my thoughts every night!!!! (Hehehe..imbis na si Popoy ang mapagpantasyahan ko tuloy...)
Honestly, I really am not mad at them, in fact, I understand their situation. But the thing is, it hurts my dadut's pride and their relationship because of the unresolved situations.
Sibling Love Problem#1
My sister Jill at age 22, fall in love with a man also at her age, and they are going steady for more than a year now, counting few more months to celebrate their 2nd year. To note, the guy has never dropped by our house to be formally introduced by my sister as her boyfriend. My sis told me that he might be too shy or afraid of my dad, knowing how strict my daduts is. So, since my dad still insists for him to come by, he never appeared for the months that has passed. Ang kulit di ba? As for myself, I have texted him so that we, together with my dear Popoy, who is somehow has the advantage of even sleeping over our house, be able to help them for my Dad's simple request. I am afraid that after the long wait, my dad would not accept the man, and that time has come. Now, my dad is close to that possibility being in good terms with my sister's bf. I really do not know what to do since my sister has gone "abroad" believing that she could settle this outside our dear home. Would you advise me on this?
Sibling Love Problem#2
Kuyakoy's case is a bit complicated and sensitive since he has gone to Dubai, also for Love Quest, I would not further relay to you the whole story. Although, I know his intentions, I am a bit worried about him going there, with the hope that he could have some shares of his happy-ending love story I am just praying for him, since I was able to know the girl through chatting and felt that she is a good person. Hopefully, they end up as a happy couple.
Sibling Love Problem#3
The last one was with my sister Joy, in Singapore. Her BF, will follow her on the 10th of the month. But my dad is against that idea since they will be together in one house. And my dadut's instinct was not good about him. Feeling kasi niya di ok si bf, hay..at ako eto. ipit na ipit na sa kanilang mga problema since Chard will have to visit us before going to Singapore. But that is Love, I do not want to stop them because of my Daduts feelings, niether I do not want to hurt dady's pride since for him, my sister chose her bf over him. Kaya ngaun, I am a bit careful with my actions, whenever gary, dady and john are together, medyo seloso si tatay now that he felt so alone, with nanay not around anymore..=(
Ano ba naman nga ang magagawa ko? Matitiis ko ba naman sila? E di syempre dapat ko silang tulungan di ba? Hay..ang ate talaga..buti na lang at okay kami ni honey popoy...at patuloy na iniintay ang tamang pagkakataon para sa aming dalawa. =)
By the way, hi-way, Hapi 41st monthsary to my dearest Gary...i am glad that you are beside me always and helping me all the way to solve their love challenges..
How about you? Do you have any situation wherein you felt somehow challenged but not with your own problem? But you are know that you are responsible in taking over the situation? Hay..
~ Sometimes we need to be weak in order to be strong. ~