Wednesday, August 29, 2007

Late Sunday Kwento

Sunday was a great day..and so great that I was not able to post the story right after. Medyo may aftershock pa ako sa surprise ng aking pinakamamahal na koinonia. Since that was the first time that my fellow bros and sissies did to me, super nakakatuwa ang feeling.

Just to gave you a peek of what a great Sunday it was..

Umaga pa lang..puro kakulitan na ako…hehe…dahil excited akong makita si gary after a week of not seeing each other (weekly lang naman kasi kami magkita), ang aga-aga kong umalis sa bahay..in order to make it sa usapan namin na 9am. Tumawag ako using our super tipid Sun Cellular fone. At ayun, di pa daw siya naliligo. Hanuba yan..parang nawala bigla ang excitement ko. And the ever moody bakekang that is me, binabaan ko sya ng fone. O di ba? Tindi lang ng BF na makakatiis sa aking moods (and popoy has successfully did it for more than 4 years na! kasi siya lang naman naging bf ko ever). So ayun. Sa biyahe. Naghihimutok ang loob ko kasi nga nauna ako sa kanya. E ayoko ng pinagiintay ako. Wehehe. Pero sya pede magwait. Nun nafifil ko na mauuna siya sa akin, unti ng naglaylow ang emosyon ko. Syempre. Talo ako eh. Mas malapit naman kasi ang LB sa Letran. Nang magkita kami. Tulala siya. Ako. Nakataas ang kilay. Nun magHHWW na kami. Tumawa ako. At ayun. Hug niya ako at sabay pingot. Pinag-alala ko daw siya at nagmadali daw siya sa paliligo.

Wehehe. Kulit ko no? Kain kami sa Jobee sa kanto. Kita namin sina Kuya Riki at Toni parang may LQ, meron nga!!!! Hahaha..habang sila ay nagdramahan pa sa kabilang table kami ni popoy, tawanan lang kasi nga ang drama ko nun kausap ko sya sa fone. Ay! Binaba ko nga pala agad.

After nun, diretso kami sa Gym ng Letran. Attend ng sportsfest. Kwento sa mga members at alumni. Picture2x! Masaya. Pero not the one that we used to have. Malamang kasi nga oldies na ako. Hehe. Pero masaya pa din. Kausap ang bawat isa. No dull moments pa din.

Tawanan.

Kainan time. The traditional eating ceremony for applicants ito. Hehe. Ako, wala sa mood kasi gusto ko ng Tudings. Unti lang eat ko kasi wait ko ang tudings pag uwi.

Basketball.
Laban alumni at members. Talo kami. Hehe. What would that mean? Syempre, pinagbigyan naming sila kasi naman tapos na kami sa efforts na yun. Wahaha..wat an excuse!

Interview. It is way a bit uplifting that still my organization has this uniqueness that “others” tried to copy but failed to do so. (issue na naman ito!!!) Haha. One thing I know, there is a magic, (that an applicant should not quit to experience that certain magic) that all of the inducted members felt. Masarap din kasi na mashare mo na ang magiging part ng pamilya kung ang experience mo kasi alam mong makakatulong yun sa kanya at magiging masaya siya sa magiging buhay niya for the next few years na Certified Koinonian na sya.

So after the full packed Day, we headed for Tudings. My moment. Hehe. But before that, punta kami bhaus kasama si kuya dexter. Usap sila. Tulog ako. Alis na kami. Eat sa tudings. Sarap. Hehe.

Sa Next post ang next event...

No comments: