Saturday, September 22, 2007

Siyudad Engrande Adbetyurs

Medyo matagal na din akong di nakapag update. Hmmmm..kasi medyo disappointed ako to what my visa application process been going. More than 2 months na kasi and still my ticket to the Land Down Under is still blurry.

Pero amidst that..madami din naman nangyari after the suprise party.

Isa sa ito ang maaksyon at malatelenobelang wento last September 2. =) Happy reading!!!

After a week, may celebration naman sa bahay..that is my Dadut's 55th birthday. Mega handa kami kasi biro mo dati 4 kaming girls na magluluto at mag-aayos ng bahay..ngayon 2 na lang..waaaaah! At dahil super galing kong magluto..wehehe..eh..hanggang gayat lang ako at tagasalin ng mga ingredients sa kawali..ang taste test kay daduts.

Aga pa lang nun..busy na kami kasi lunch ang dating ng sangkatutak kong mga kamag-anak (from daddy's side). Nakakatuwa naman kasi masaya. Kantahan sila sa videoke (c/o Tiyo Rico) habang ako busy sa pag-aayos. Good Thing my ever reliable Popoy was there with me to help me. Ayun. Nakaraos ang maghapon. Taob ang 3 lalagyan ng ulam. Ang Kanin meron unti tas puto at sopas..ubos din..Samakatuwid. It was such a blast. Nasa sobrang pagod..dinugo ako. Wahaha!

Pag alis ng mga tao..kantahan kami nina jil, john, at gary. Habang si Daduts, busy sa pagbubukas ng kanyang balikbayan package courtesy of my sissy joy in singapore. O di ba? International na kami..while si Kuya nasa Dubai.

Ayun na nga..at ito ang isang pangyayari sa araw na iyon na di ko makakalimutan eber in may layp. As in. Lintik lang ang tindi ng amnesia ko kapag nakalimutan ko ito. Maaksyon masyado ito at baka hingalin kayo. Hahaha! Actually wala ako sa scene ng may biglang bumato sa bubong ng bahay naman (Aba! at mukhang di nagandahan sa mala adarna kong boses!) Nandun kasi ako sa banyo..kasalukuyan naliligo (Pasma na itu after a beri fagod day!) Ayun. At matapang kong sissy at daduts lumabas. The next thing. Lumapit na mga lasing na bisita ng aming NAPAKABAIT NA KAPITBAHAY!!! Well, sabi ko nga second hand info na lang ang mga ito dahil wala ako sa scene. Ang alam ko lang nagkaroon ng komosyon. At ang dugo ni Gabriela ay sumapi sa kapatid ko pati na rin si Diego kay Daduts. Samakatuwid. May nangyaring pagtatalo. At ang aking medyo oldy pero super lakas na daduts may hawak na. (di ko nasabihin dito kasi may issue pa eh). Dumating ang isang atribidang junior mangkok. (Wahaha..) Basta isa siya sa anak ng aming NAPAKABAIT NA KAPITBAHAY. Ayun na nga. Me paeksena na si jr.mangkok. Sigawan yata sila dun. Di ko talaga alam ang detalya. Pero in the end, lahat ay kumalma.

Tapos na.

Kantahan ulit kami. Nanginginig ang laman ko. Ewan ko ba. Ang saya saya kasi ng maghapon eh. Tas may biglang eksenang ganon!

At biglang may dumating na pulis patola. At dala ang kanilang armalite! Huwat? Hanu itu! Biglang nagtransform sa isang soap opera ang lahat! Usap usap. Imbitado si Daduts sa Prisinto. Sige. Mega sama ako at ang aking butihing popoy. Buti at nandun pa din sya. Hay. (Medyo segwey heywey..sarap talaga ng nandyan ka popoy!!!! )

Dun sa prisinto, di mapakaling manok itong si jr.mangkok. Hmp! Wala akong sama ng loob dito sa aming NAPAKABAIT NA KAPITBAHAY. Ang super pinagtataka ko lang bakit mega over imbyerna siya sa pamilya ko. Hayun. Blotter ang lola mo. Natatakot siguro sa kapayat niyang katawan patulan siya ng daduts ko. Usap sila ng imbestigador. Wait kami sa labas. Daduts ko naman. So in the end, the investigation officer has come into a conclusion na di ito nagmumula sa simpleng paghawak ng daduts ko ng bagay na yun. Isa itong matagal na alitan at INGGITAN ng magkapitbahay. Hay. Lumabas din ang totoo. Grave threat ang isasampa sa tatay ko! Hanu ba yan! Ilan kaya sila compare sa tatay ko. Kung pede lang bigyan ng matinding batok ang mga uto-utong bisita ng MANGKOK family.

Ayun. Nagusap sila ng daduts. Dahil si dady ang may kaso. Nagpakumbaba sya. IM SUPER PROUD OF HIM. With his personality, di ko expect na gagawin niya yun lalo na sa mga mangkok na yun. Hahaha. At dumating ang kapatid ko. Kinausap ng intrimitidang jr.mangkok. Naku..kung nandun lang kayo sa scene. Mapuputol nyo talaga ang dila sa talas ng mga sinasabi. Anyway. Sa lahat ng wento dahil di na din naman ako nakinig sa walang kwentang grudges nitong si payatitot na mangkok, sa linyang ito ako natuwa. "Kuya mo? Sa iyo na ang kuya mo!!!!!!" huwat? Anong kinalaman ng aking professional na kuya na ubod ng gwapo sa eksenang ito???? At hanggang ngayon, nasa puso mo pa din ang panghihinayang na di ka niligawan ng tuluyan ng kuya ko???? Just reading between the lines. Hahaha! Sabi ko na nga ba eh. May hinanakit siya sa aking super bro na miles apart na and years na ang lumipas sa kanila. Tawa na lang ako. Kaya pala.

So after na usapan. Magdamag kaming nandun sa prisinto. Para ayusin yun isang kaso.

Di pa dun natapos. Kinausap pa din ni dady si Tatay nila. Bumalik kami kasi resched daw. Nandun kami ng 7pm sa prisinto. Di ko alam wat araw na yun. Humahangos sila pagdating. Hahaha...galit na galit si tatay nila. Bakit kaya? Di din namin alam eh. Tas ng magwento na ang mangkok. Aba ang target daw pala ng dady ay ang tatay! Haha! Tawa na lang ako. Bakit? Siya ba ang nambato? Nandun ba siya sa eksena? Pero dahil sa kagustuhan na din namin na matapos na ang lahat. Humingi na ng paumanhin si daduts. Eto pa. Ang sabi ng mag-inang mangkok, si tatay daw talaga ang ayaw pumayag na iatras ang kaso. Tas nun ok na si tatay. Ang sabi ng mag-inang mangkok, pag-isipan mong mabuti. Kakatawa na lang. Tatay pala ang ayaw pumayag ha..tas ng ok na..ngarag silang sabihin pag-isipan pa ulit. Wahaha talaga! Talagang tatatak ito sa istorya ng buhay ko. Comedy eh! Samakatuwid ok na ang lahat. Ang next step na lang ay kung paano iiwasan ang pagprovoke ng mangkok family (di naman sila lahat!)

Aalis ba kami o patuloy silang maiinggit? Wahaha..Bahala na si Lord.

Sana lang wag ng maulit. Lalo na at may i go out of the country na ako (sana!!!)

Yun ibang events, next time na lang ulit! Tata!

Be Patient everyone!

No comments: