Thursday, December 27, 2007

Haym Vak!!!!

Ako ay muling nagbalik.

Makalipas ang ilang buwan ng pananahimik. Nandito ako muli. Nabasag ng pagkakataon at muling binuo ng isang taong binigay ng Diyos upang maging katuwang hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ang drama ng entrada ng lola mo ano?

Pano bang hindi magiging maramdamin ang salita ko eh dumaan ako sa isang napakasikip na kalye. Madilim pa. Siguro kahit flashlight di ka makakadaan. Buti na lang may kasabay akong naka HHWWPSSP (Nyahaha!). Meron din ibang tumulong at nagbigay ng tamang direksyon. (Salamat sa inyo ha!)

Doon ko nalaman. Kahit gaano kadilim ang kalyeng binabagtas mo. Makakaraan ka pa din. Kasi ilang saglit lang na pagiintay mag bukang liwayway na..na magbibigay ng liwanag sa di tiyak na daraaanan. Aun. Dumating ang araw na pinakaiintay ko.

Eto na ako ngayon. Masaya sa kabila ng pangyayaring minsan na inisip na sana ay di ko naranasan. Pero alam kong dahil sa kaganapan na ito. Nakuha ko ang isang piraso ng palaisipan na bubuo sa puzzle ng buhay ko. Hinubog ako ng pagkakataon. Pinatatag ng mga taong nakapaligid. Positibo man o negatibo ang dulot. Alam kong kinailangan ko sila para muli akong makatindig.

Ang dami kong kwento.

Sana mabasa mo. Sama sama nating sariwain ang nakalipas na buwan ng buhay ko. At bagtasin ang nalalabi pang araw ng taon na ito.

Kasi si "Bakekang on the Go" na naman para bumuo ng panibagong puzzle.