Friday, September 9, 2016

Brilyanteng Puti

Napagalamanan kong Isa pala akong sanggre. Si Bakekang, na may hawak ng brilyanteng puti. Simbolo ng pusong busilak ang kalooban. Di lang alam bakit ako ipinatapon ng aking ina at ama sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang aking nagawang kasalanan?

Ngayon, ay kung mamarapatin niyo, ninanais ng aking pusong muling makabalik sa aking pinagmulan, ang Engkantandia.

Ano na kaya ang kanyang istura. Akong nangangarap ng gising. Wari ko ay parating na ako sa aking dating tirahan.

Ngunit bakit ganoon? Parang lumalayo ang lagusan? Muling nagsasara?

Siguro nga ay meron pa akong kailangang gawin dito sa kanilang mundo.

Wag kang mag-alala aking kaibigan, nakikita kong ikaw din ay isang sanggre. Iyo lamang isipin at pangalagaan ang iyong brilyanteng puti. Wag kang papayag na makuha ng isang Pirena ang iyong brilyante at mahaluan ito ng pulang simbolo ng paghihigante. Dahil mawawala ang kinang ng iyong brilyante. Hayaan mo sanang manatili ang puti na simbolo ng tunay mong kalooban. Wagas at walang bahid ng ano pa mang kasamaan.

At kung sakaling, nawawala ang kinang ng iyong brilyante. Ikaw ay tumakbo sa mahal na Emre. Madali lang siyang lapitan, siya ay nabubuhay sa katauhan ng ibang sanggre may hawak ng brilyanteng iyong tangan.

Ang brilyanteng iyong tangan ay kikinang ng higit pa sa sikat ng araw kapag nagsama ang ibang pang brilyanteng puti.

Kaya iyong alagaan, mahalaga ka at napakalaking bahagi ng malaking brilyanteng puti na siyang magiging pinakamalakas sa buong engkantadia. Pakinangin mo ito sa pagkalat ng pagmamahal at kapayapaan.

Hanggang sa muli, tayo ay muling magkikita, mahal na Sanggre.

Nagmamahal,
Sanggre Bakekang

Monday, September 30, 2013

Dream Last Night 29.Sept.2013

Setting:  A place in Singapore kampong area. 

I am taking care of Yana and Gab. I have to go to the office at around 2pm. 
Nanay helped me to have Yana take a bath. A small improvised pool was there. Gab dip into the small pool and took a bath by himself.

 We are in the bus going around. The two boys who we know and was our friend (but I do not know in real life) said we need to go around the roads so we won't be penalised for long parking.

When we got back to the house. Yana already dressed. Nanay was eating. I told My director David that I need to go to the office for the stuff that I need to prepare. David agreed. I asked Nanay where she is going. She told me, she is going to Intro. I asked her what did Intro said as if there were stuffs already been discussed in the past. This is the first time I heard her speak in my dream. :) Nanay said Intro said there was still no job for her.  I told her of my planned business and then proceed to go to the office with my gab.

Thank You Nanay. I know you are always there watching over us always. You are so alive, happy and with your trademark smile. ❤️💃😄

This keeps me looking forward to this new beginning. :)

God bless this day and the days to come.🌇

Aja Bakekang 👸!!!





Sunday, February 10, 2013

Heartburn

Today, you made me feel that I am worthless.

Sad Bakakeng :(

Thursday, October 11, 2012

Random Thoughts

I woke up today not feeling good. But because, today is Thursday and tomorrow is friday, I have to shrug off this negative feeling. Popoy will be away for the next three day and I will be a single mom. Haha.

Then, suddenly, this gray feeling turned into happiness. I now look forward with Gab over the weekend. Planning for a short morning walk nearby. Remake of our home made playdoh. Woot.

Thank God for the times I am away from Popoy. I will miss him but will definitely enjoy the time alone with my little man.

Happy Thursday Bakekang.

Saturday, July 21, 2012

Tough Love

Dearest Singapore,

February 2009, it was more than three years and I am happy to look back. Unaware of what we have ahead, I still insist to go and try to see you personally. Bringing with me, an empty pocket, a bag full of dreams and a positive heart to keep them come true. When we first met, I am definite that it is love at first sight. :)

I must admit that we have a love-hate relationship in the beginning. I love to be here with you and you hate me being here. Sad as it may seem, I need to accept it. I know your reason and I fully understand. Yet, I believe I must fight for this new found love in you.

Our more than three years relationship (and still going. yey!) is not as smooth as most relationship is. I insist to be here with you so you can know what my love can do for you, yet you asked me to go. During 2010, I have to let go for a moment. I felt torn and tired to keep pushing for this love. But I still believe I have to fight for it. Back in my heart and mind, I know that the best is yet to come.

2011 came and the longing to see you again grows continously each passing day. The love I have for you has grown big that I cannot contain any longer. I must come back and offer it to you once again. When we met for the second time, it was tough for me to convince you to open your door and start this wonderful life together.


It is not once, not twice, not even thrice that I got rejected by you. But my love is too strong. After the nth rejection, you came to a decision to give me this chance to prove myself. This is the start of our wonderful journey together and that I have to thank you.

Thank you Singapore.

Thank you for letting us keep our family together here with you. Thank you for adopting us (may it be temporarily or permanently, we are happy)

Thank you for the wonderful memories that we have during our courting stage. :)

Thank you for not accepting us for the first, second, third and fourth time, it kept us to prove that our love for you is genuine.

Thank you for the wonderful parks, roads, clean air and safe environment, nice amenities, the great people who offered a harmonic culture that you have willingly shared to us.

Thank you for the experience. We do not know what lies ahead nor our future together. What I am certain is, that as long as we have this kind of relationship. I promise to take good care of you and be a responsible part of your society.

Maligayang Kaarawan Singapura! (Happy Birthday Singapore)
We do love you.
Nina, Gary and Gabriel

Tuesday, July 17, 2012

Simpleng Proyekto

Matagal ko na din gusto gawin itong bagay na ito pero wala akong sapat na kaperahan at oras para magawa.

Ngayon na nakapanig sa akin ang pagkakataon. Why not? Chocnut!!!

Aja! Oplan Bakakeng. Hehe. Kailangan manatiling lihim ang lahat. :)

Monday, July 16, 2012

Kawalan

Dumadating sa buhay natin paminsan minsan ang kawalan. Kung saan di mo maintindihan ang sanhi ng iyong kalungkutan. Muli ko syang nararamdaman sa panahon na ito. Naisip kong dahil may puwang. Dalawang linggo na kaming di nakapagsimba. Hay. kailangan namin ng reconnection kay Lord. Sorry Lord, this weekend, for sure, it is a date.

Magandang Lunes sa inyong lahat.

-Bakekang-

Friday, July 13, 2012

Umagang Kay Ganda

Biyernes na naman. Yey!

Ang pinakaiintay kong araw. Hehe. Obvious ba? Dahil kinabukasan, maglalaba ako, magluluto ng tanghalian, maglilinis ng kwarto at mag update ng buhay buhay sa likod ng tabing na ito. Nakakatuwang balikan na minsan kong pinangarap ang ganitong buhay. Nagpapasalamat dahil nagkaroon din ng katuparan.

Ang nakalipas na limang taon ng buhay ko ang isa sa pinaka-vonggang pangyayari. Ang dami na nagbago at natutunan. Kung lilingon ako sa nakaraan, nakitang kong masalimuot ang pinagdaanan namin. Pero nagpapasalamat ako dahil sa paglalakad ko sa daan na ito..meron akong kahawak kamay. Nagpapakeso lang.

Bawat hakbang, bawat yapak, basa man o tuyo, may tae man o wala..ahaha..masayang balikan at alalahanin.

Sa umagang ito, ang bawat hininga ng buhay ko ay muli kong iniaalay sa Iyo. Alam kong nagiging pilya ako, salamat sa paminsan minsang pagbatok at nagigising ako sa tunay na layunin ko sa mundo.

Hay. Napakagandang umaga sa inyong lahat. :)