Tuesday, February 8, 2011

Brother J

Dear Bro,

Sa totoo lang ang simula ng taon na ito. Hindi naging maayos. Maayos sa pagkakahulugan ko. Nagplano ako. Positibo ako. Pero di kita naisama. Di ko naisip na seloso ka nga pala. Ayun, nagparamdam kang ulit. Nasira ang plano kong matagal ko na din namang inaasam. Akala ko sapat na ang tamang pagpaplano at pagiging positibo. Nagkulang ako. Mas may control ka nga pala sa lahat ng ito. Na kahit anong plano ko at kahit anong positibo ng papanaw ko,kung di ko naman isinasama ang tunay na magpapahalaga at pag-aalayan nito. Wala din.

Ito nga at sa simula ng buwan ng Pebrero. Naramdaman ko ang tunay mong pagmamahal. Pinadalhan mo ako ng mga taong gigising sa paminsan-minsan kong inaantok na pananampalataya sa iyo. Nagpa-alala Na kahit na nakalimot ako. Anytime, pede akong bumalik sa iyo dahil wala na akong ibang matakbuhan, naguguluhan. Alam kong tanggap mo pa din ako ng buong buo. Ikaw lang naman ang makakagawa non eh. Salamat at kahit anong ginawa ko..hinayaan mo pa din at pinaligiran mo ako ng mga taong tunay na susuporta sa aking mga pangarap. Tunay na pangarap. Yun ay ang sumang-ayon sa mga plano mo. Plano mong mas makakabuti para sa akin at para sa aking mga mahal.
Sa ngayon, alam kong nasa mabuti ang lahat. At kahit anong pagsubok ang pinagdadaanan ko ngayon, kering keri ko. Andyan ka kasi sa tabi ko eh.

Bro, since happy puso month. Ikaw ang date ko sa araw araw na darating sa buhay ko. Ikaw ang tunay kong Pag-ibig. ;)

Ang Popoy at Kulas ko. Salamat talaga sa pagpapahiram mo sa akin ng mga tulad nila. Di sila akin kundi sa iyo. Ang dami kong tunay na kaibigan na binigay mo. Kaya naman alam kong peborit mo talaga ako. Salamat ha.

Alam kong patuloy mo akong babatukan, papaiyakin, kukulitin, kikilitiin, at pakikiligin sa bawat araw na magdadaan. Salamat sa iyo at Malakas na ako.

I love you Bro!

No comments: