Wednesday, January 24, 2007

Desktop Therapy

Yup, you heard it right, this is the scenery that soothes my stressed mind here in work. Minsan talaga kailangan natin gumawa ng paraan para mai-divert ang attention natin sa bagay na makakapagpapasaya sa atin like this place. This shot was taken from a resort in El Nido, Palawan.

I am dreaming of going here...now na!

charan! eto na ako sa place na ito...nakatanaw sa bintana...hmmmmmm..ang sarap ng hangin...nakakabuti ng pakiramdam, ang mga alon..banayad...at ang mga huni ng ibon...ang sarap sa ear ha! hehehe...ang sarap mag sun bathing sa bench..ay ang waiter! "Waiter, please bring me a glass of orange juice! Thanks!" Aba at sino yung mga taong paparating dito..I thought I reserved this place for myself...aba at may intruders!

Toink! Ayan..nanaginip na naman ako...eto na pala ang mga pasaway sa masaya kong pagninilay..ang tambak kong trabaho!!!

Eniweys, ang sarap bumalik sa kawalan..tanging magandang tanawin gaya nito lang...kahit papaano, nailalayo niya ako sa magulong mundo ng showbiz...nyek! hehehe..sabagay..di na nalalayo ang mundong kinagagalawan ko sa konsepto ng showbiz, di mo na kasi alam ang totoo sa hindi..kaya eto sumasabay ang aking puso sa pagalon ng dagat..

Masaya akong babalik sa lugar na ito para muling makahinga...

Sarap Lord!

Back to work na po tayo!!

Have a nice Baclaran day to everyone...Do not forget to pray! Mwah!

No comments: