Nina Sulit.
Ako Yan. (Nun Dalaga)
Natuwa lang ako dahil dalawa sa contestant sa palabas na ito. Nabuo ang pangalan ko.
Isang ina, mautak, kinatatakutan nga siya ng mga kasama niya sa Tribo ng Jarakay (Buwaya sa salitang Thai). Sa simula pa lang, kita mo na may masasabi siya. Kumbaga, katatakutan mo na. At kung di siya nagkaroon ng fracture sa toe. Malamang siya na ang isusunod na i-vote out. Hehe. Kasi nga magaling siya at threat siya sa ibang miyembro lalo na kay marlon na masyadong ding mautak. Nakakatuwa din siya kasi siya sa lahat ang naging close kay Patani (ang yaya na gustong maging artista). One thing I admire is that I can see that she is a true person. Basta nakikita mo sa mata na totoo siya at palaban. Parang ako. Wahaha. Blog ko ito. Walang kokontra.
Nang malaman ko na may Sulit na kasali sa Surbaybor. Naging interesado na ako. Bibihira lang kasi akong makakita ng mga Sulit sa teebee. Ahehe. Sa una palang makikita mo na sa kanya na may malalim siyang pagkatao. Yun tipong marami na siyang karanasan sa buhay. Nabasa ko nga ng website niya. At dun pa lang, humanga na ako sa mga prinsipyo niya. Galing. Sayang at siya ang nauna na vote out sa Tribo pa din ng Jarakay (courtesy of Marlon pa din). Dahil sa tingin ng lahat. Siya ang pinakamalakas at pinakamautak. Sayang at naalis na agad siya. Mahirap talaga ang contest na ito.
Pero may natutunan ako sa panonood nito. Sa buhay, kailangan mong maging matatag. Iba iba ang tao. Minsan kala mo yun kausap mo. Mapagkakatiwalaan. Kapag tumalikod ka. Ahas pala. Kailangan mong makibagay at kailangan mo din maging mautak.
At sa paglubog ng araw, isa lang ang dapat na pagkatiwalaan mo. Sarili mo.
Masayang paglalakbay sa masalimuot na gubat =)
~bakekang~
No comments:
Post a Comment