Friday, October 10, 2008

Kwentong UPCAT

Oooops! Una sa lahat..di ako isang alumni ng UP. Isa akong proud na Letranista. Gusto ko lang i-share ang naging karanasan ko noong nag take ako ng exam na ito. Nalaman ko kasi na meron isang indie film na ang title ay UPCAT, (istorya ng mag-ama habang kumukuha ng UPCAT) kaya na-inspire akong magwento. Hehe. Reminiscing.

Sampung taon na pala yun. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Lahat sa school, abala sa pag ayos ng requirements para sa UPCAT. Ako nun. Di pa sigurado kung mag take ako. Actually, kung di ako lumipat sa iskul na yun, di ako kukuha ng exam na yun. Naisip ko kasi baka di din naman ako pumasa (napaka pessimistic..wahaha). Kasi, para sa akin, malaki na yun 350 pesos (yata..di sigurado) na entrance exam. At ayoko din naman na gumastos si nanay kasi mahirap lang kami. Hehe. So ang ginawa ko, para makaligtas sa pagbabayad nun. Nagtanong tanong. At nun nalaman ko na pede pala kumuha ng walang bayad. Mega research ako papaano. Ayun, kailangan palang mag-provide ng ITR. Sapat na yun para maipakita mo na gusto mo man magexam, di naman kaya ng magulang mo.

At dahil isang butihing akawntant si ina, meron siya nun. Submit kami all the way to UP Los Banos, na para sa akin ay malayong lugar. (mula Sta. Rosa) Hehe. Pasa ng requirements. Intayin na lang daw namin ang desisyon if pede akong kumuha.

Intay.

Dumating ang araw. Buhat kay mamang kartero. Dala ang magandang balita. Pede na akong magexam. Galing.

Unang Realisasyon: ANG GALING NI NANAY!

~>Kasi di siya nag dalawang isip na samahan ako sa bundok (UPLB) kahit medyo alanganin kami na baka di ako payagan. Ang sarap na isipin na suportado ka ng magulang mo sa pangarap mo! Hay..Nanay, namiss na naman kita.

Balik sa kwento.

Dumating si takdang araw.

5am, Sta. Rosa. Late na kami. Kasi 6am ang registration. Waaaah! Dun ko nalaman na pede palang 1 oras lang ang biyahe simula sa Sta. Rosa hanggang UPLB. Bakit ngayon, masaya na akong makarating sa bundok (UPLB) sa dalawang oras na biyahe. Naku! Kapit ang kamay ko sa upuan habang nagmamaneho si daddy nun. Nyahaha.

Ikalawang Realisasyon: MAGALING DIN SI DADDY!

~> Dahil gagawin ang lahat para lang makaabot sa takdang oras. Wahaha. Masarap na naman ang puso ko. Sinuportahan ako.

Ang araw na magtake na kami ng UPCAT. Dun ako sa building ng mga katulad kong salat sa buhay (hehe..ulit). Dun ko lang din nalaman kaya pala wala kong nakitang schoolmate (na mayayaman..haha) ay inihiwalay silang nagbayad..sa amin na walang pera. haha na naman. Umabot kami. Siguro, mga 10 na lang ang nasa labas na nakapila ng dumating ako. Buti na lang at SULIT ang apelyido ko. Nakahabol ako sa dulo. Wehehe.

Wala naman akong preparasyon sa exam na iyon (may kayabangan..hehe). Sa akin lang, bahala na si batman. Kung tadhana na dito ako mag-aaral, papasa ako.

Ang Resulta. February yata ang release ng result. Antay kami. Nun nagsimula ng magpadala ang UP ng result. May mga masaya at syempre..madami ang nalungkot. Ako naman, nagiintay kay mamang kartero. Pero march na wala pa din ako sulat! Waaaah!

Isang Adbentyur. Kasama si Helen at Dianne, nagpunta kami sa UPLB. Naka uniform pa! Pers Taym kong magbiyahe nun ng medyo malayo. Biglaan lang.

Ang Drama. Pag dating sa Registrar, nakita namin, madami ang tao na tumitingin sa blackboard. Ako, na di alam ang gagawin, di muna tumingin, nagdasal lang. Mga 10 minutes, lumapit si Dianne, di niya nakita name niya. Lungkot. Ako, Kabado. Ahehe. At finally, nagdesisyun na akong tumingin...

Huwaaaat?!? Nandun ang name ko. dalawa pa! ..ang ngiti ko abot hanggang tenga. Wahaha. Kaya lang anu daw yun, pasado ako sa isang non-quota course (B.S. Biology) at waitlisted sa Computer Science.

Samakatuwid. Kahit pumasok ako sa UP, di ko matutupad ang pangarap kong maging isang Akawntant (na tulad ni nanay). At nun panahon na iyon, di ko alam kung anong meron sa future ko kapag kinuha ko ang B.S. Biology.

At ang nangyari. Kinailangan kong magdesisyon. Ambisyon o Institusyon.

Ito na nga ako ngayon, tinatamasa ang natupad kong ambisyon, ang maging isang Certified sa Pilit na Akawntant. Masaya ako. Kahit di man ako nakapasok sa UP. Pero yun mga experience ng UPCAT, yun pakiramdam na pede naman pala ako dun (pumasok) at yun maipakita at maiparamdam ng magulang mo ang kanilang naguumapaw na suporta sapat na para makuntento ako sa napili ko.

Natupad ko ang aking AMBISYON dahil sa suporta ng magulang ko. =)

No comments: