Tatlong letra. Pero may napakalaking papel para sa ating lahat. Masarap nga bang meron ate? Di ko alam. Ako kasi yan sa pamilya namin. PANGANAY na BABAE.
Dami din kasing pagkakataon na nagdadalawang isip ako sa bawat hakbang at desisyon ko. Dapat nga bang gawin kasi ATE KA, o hindi dapat kasi ATE KA LANG.
Ang alam ko lang, ang ate ay pangalawang babae sa pamilya. Sumunod sa nanay. Ang responsibilidad halos na rin sa nanay pero walang awtoridad para maging nanay. Madaming hinihingi sa iyo at inaasahan pero ang karapatan parang kulang. Madami na din ang pangyayari na gumawa ako ng desisyon kasi ATE AKO at sa huli di naman pala dapat kasi nga ATE LANG AKO.
Mahirap. Lalo na at ang taong dapat mong gabayan at pagpayuhan meron na din naman pag-iisip. Tatahimik ka na lang ba? O gagawa ng paraan para maayos siya?
Kasi ATE KA..o ATE KA LANG?
Hahayaan mo na lang ba siya kasi nakikita mong masaya na siya sa napili niya habang may nasasaktan sa bawat ginagawa niya. Ang lungkot kasi nagsawa ka na sa pagsasabi ng katotohanan sa kanya at di din naman maintindihan. Ang Hirap kasi nakokonsyensya ka na hindi siya pansinin. Ang Sakit kasi nababalewala ka at di nabibigyan ng halaga at nirerespeto.
Ano nga ba ang halaga ng isang ATE? Mapunan ko kaya ang tunay na kahulugan nito?
Nagdrama na naman si bakekang. Pasensya na.
No comments:
Post a Comment