Tuesday, November 28, 2006

Sa aking paghahanap


Eto na naman ako at muling maglalahad ng aking feeling sa buhay..
khapon, feeling ko ay super depressed ako..kasi ba naman 1 buwan na ang nakakalipas pero until now wala pa rin akong mahanap na magandang work..hay..kainis naman!

Di naman kasi ako naghahanap ng mataas ng sweldo, ung tama lang na makakapagdevelop ba sa career na GUSTO KO na tahakin. Lito akong lumabas sa bahay..follow up sa mga company na pinasahan ko ng aking resume. Ilang ulit na akong nagpalit ng resume ha..baka kasi may mali..pero eto ako at di pa rin makahanap ng tamang trabaho.

Nakakapagod dahil sa bawat alis mo naman pera ang nawawala. Wala naman ako nun. Kakahiya na kay popoy kung pati ba naman pamasahe ay humiram pa ako sa kanya..

Tas, naisip ko..eto na naman ako..inilalapit NIYA ulit ako..mukhang lumayo nga ako ng unti ha..hay..si Lord talaga..aun at napalakas ang loob ko..Tas, naalala ko ung libro kong ito ...

Biro mo un..binili ko siya last June 2005, di ko naman nabasa..aun at ginawan ni Lord ng way na mabasa ko na siya..kaya eto ako ngayon. Di masyadong nagmamadali sa buhay-buhay. Kasi gusto kong tapusin ito. at tatapusin ko siya.

La lang. Nasabi ko lang. It may seem very usual. Ung kapag may problema ka, lapit ka lang sa Kanya..nasa kanya kasi ang kasagutan..

Un po. Happy REading Nina =)!!!

Friday, November 24, 2006

Ang Paghihintay

Eto ang mga kaganapan sa nakalipas na CPA Oathtaking..
Si daddy habang nagpapahinga...wehehe..bilis mapagod sa paglalaro ng badminton...

Si Sir Tom..

Atty. D

Ang aking pangalawang ama..Sir Valix

Kakambal ko...

wehehehe..ang pormal na paraan ng paglalaro ng badminton..

Kulitan sa Manila Bay
Ang taray!!!

Hehehe..yan lang po..tamad akong magkwento eh..Mwah!!!

Nakatanaw


Hmmm..parang ganito ako ngayon, nakatingin sa kawalan..nangangarap..nagiisip kung ano ang dapat gawin...

Kahapon, oathtaking namin..ang tagal kong hinintay na mapasama sa okasyon iyon. Aun nga at nagkaroon na din ng katuparan ang lahat..isa na akong ganap na CPA.

Pero hanggang ngayon, nagtatanong pa rin ang puso ko..saan nga ba ako pupunta? Paano ko mapupuntahan iyon? Nahihirapan ako. Sa panibagong simula ng yugto ng buhay ko. Marami kasing dapat tapusin at simulang muli. Bagay na lalong nagpapabigat sa puso ko.

Sa ngayon, nanatili pa rin akong nakatanaw...

Iniisip ang buhay ko dun...sa ibang ibayo...

Salamat at nariyan kayo lagi sa tabi ko..Salamat sa KANYA! Dahil kahit anong tama ng utak ko nanatili kayong nandiyan para samahan akong tingnan ang kawalan.

Pero kaya ko ang lahat ng ito dahil nandiyan kayo...

ang drama ko no? minsan lang ito...