Friday, September 9, 2016

Brilyanteng Puti

Napagalamanan kong Isa pala akong sanggre. Si Bakekang, na may hawak ng brilyanteng puti. Simbolo ng pusong busilak ang kalooban. Di lang alam bakit ako ipinatapon ng aking ina at ama sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang aking nagawang kasalanan?

Ngayon, ay kung mamarapatin niyo, ninanais ng aking pusong muling makabalik sa aking pinagmulan, ang Engkantandia.

Ano na kaya ang kanyang istura. Akong nangangarap ng gising. Wari ko ay parating na ako sa aking dating tirahan.

Ngunit bakit ganoon? Parang lumalayo ang lagusan? Muling nagsasara?

Siguro nga ay meron pa akong kailangang gawin dito sa kanilang mundo.

Wag kang mag-alala aking kaibigan, nakikita kong ikaw din ay isang sanggre. Iyo lamang isipin at pangalagaan ang iyong brilyanteng puti. Wag kang papayag na makuha ng isang Pirena ang iyong brilyante at mahaluan ito ng pulang simbolo ng paghihigante. Dahil mawawala ang kinang ng iyong brilyante. Hayaan mo sanang manatili ang puti na simbolo ng tunay mong kalooban. Wagas at walang bahid ng ano pa mang kasamaan.

At kung sakaling, nawawala ang kinang ng iyong brilyante. Ikaw ay tumakbo sa mahal na Emre. Madali lang siyang lapitan, siya ay nabubuhay sa katauhan ng ibang sanggre may hawak ng brilyanteng iyong tangan.

Ang brilyanteng iyong tangan ay kikinang ng higit pa sa sikat ng araw kapag nagsama ang ibang pang brilyanteng puti.

Kaya iyong alagaan, mahalaga ka at napakalaking bahagi ng malaking brilyanteng puti na siyang magiging pinakamalakas sa buong engkantadia. Pakinangin mo ito sa pagkalat ng pagmamahal at kapayapaan.

Hanggang sa muli, tayo ay muling magkikita, mahal na Sanggre.

Nagmamahal,
Sanggre Bakekang

No comments: