God put the moon and the stars up in the sky for the simple reason that dreamers need something to believe even in the darkest of nights. Dreaming happily with Popoy, Kulas, Kulai and Kakai.
Thursday, July 2, 2020
Bakekang is Back in 2020!!!
Ako si Bakekang
Isang nilalang na ipinanganak ng may angking kagandahan. Di ko namalayan na mayroon pala ako nun. Akala ko nun una, sila lang ang may itsura. At ako, alamak! Hitsuraaaa Basura!
Lumaki akong may pagimbot sa mga taong hinusgahan ang aking pagkatao. Kaya bata pa lang ako, pinili kong manatiling totoo sa mga bansag ng mga nilalang na isa akong sumpa.
Mataray yan.
Suplada yan.
Mataas yan.
Mayabang yan.
Sumpang magbibigay ng pagbabago. Kung mabuti o masama, di ko alam yun. Masaya naman ang buhay ng aking kabataan. Hindi kami ganoon kahirap pero di naman kami ganon kayaman. Ika nga nila, sapat lang.
Kaya nanatili akong okay na yun sapat lang. Ito lang ang kaya ko. Ito lang binigay sa akin. Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na iminulat ako ng katotohanan. Di lang pala ako isang nilalang na may kagandahan. Napakaganda ko pala. Hahaha!
Sa totoo lang, dun sa lihim na hardin ako nauupo at nagtanong kung bakit sa huling dalawang taon ng aking sekondarya e..lumipat pa ako ng paaralan. Lalo ko tuloy naramdaman ang pangungutya at kababaan ng sarili.
Pero si Lord talaga, laging joker sa buhay ko. Binigyan ako ng confidence na wala sa iba. Bwahahaha! Lagi kong sinasabi nun sa aking matalik na kaibigan na si Dianne, I have my beautiful, sexy and curved body. (May katotohanan naman. Harhar!) Pero sa amin lang yun. Lihim na sikreto kong mantra para maitaas ang lumulubog na kumpiyansa sa sarili.
Pinilit kong magaral ng mabuti. Masasabi kong di naman ako honour e..may naitatago akong kayabangan este kagalingan. Pinilit kong gawin yun mga bagay na masaya ako ng palihim. Hehe. Magaral, Kumain at Magaral ulit. Nanatili ako sa sulok ng eskwelahan na may isang pangarap. Ang mapatunayan na ako naman ay may maiaambag din sa mundong ibabaw.
Maraming tao sa akin nun ang naiinis. Pero ang katarayan ang aking sandata sa mga sugat na dala ko na laging nadadanggi kaya hindi naghihilom.
Hanggang, isang araw nagpakita siya sa akin. Napakaliwanag. Sa huling araw ng aming high school retreat.
Napaiyak na lang ako sa boses na aking narinig. Ang katahimikan ay nakakabingi ngunit ang alingawngaw mula sa pusong dakila ang siyang nangibabaw.
Simula noon, di naman ako nagbago. Hehe. Akala mo no? Pero sa ilalim ng puso ko, may lugar na alam kong pede kong balikan sa panahon na kailangan kong hugutan.
Pero bakit nga kasi Bakekang. Aba! Basahin mo sa susunod kong liham!
Nagmamahal,
Ninalyn
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment