And he kissed me good night!
Naks..english ang title ng post ko na ito pero tagalog kong iwewento ang isa sa mga dahilan kung bakit kaya ko pa rin ngumiti sa kabila ng lahat.
Nahihirapan ako sa panahon na ito, syempre dala na rin ng lumalaki kong tiyan eh, kasabay na ang iba’t ibang emosyon na pumapalaot sa makitid kong utak. Pero sa bawat pagtitiis kong ito, may napakagandang kapalit.
Di ko sinasabi ako na ang pinakasawi sa lahat ng nangangarap. Hello lang, saan ka pa na kahit may asawa ka na eh, ang butihing mong ama pa din ang gigising sa umaga at ipagluluto ang bunso mong kapatid ng baon, syempre kasabay nun ang paghahanda sa pagkain namin ni Popoy dear. Pero, di din naman lahat ng dinaranas ko eh nakakatuwa. Pag-kaalis ni Popoy kasabay ang aking makulit na kapatid (hehe). Dun na magsisimula ang paglalayag ng utak ko. Isa na dun ang isipin na ilang oras akong matatali sa gitna ng dagat ng walang kasama. Dun ko pupunuin ang utak ko ng kung ano ano..
At ang mga ito ay ang mga sumusunod.
~> mahirap ang walang datung na inaasahan. Jobless kasi ako eh. Donation naman dyan! (wehehe!!!)
~> nasasayang ang oras ko pero pinipilit kong gumawa ng kabutihan.
~> uy! Positive naman..gagawa ako ng mga gagamitin ng anak naming ni Popoy. (meron na akong pillowcases na blue..tinahi ko yun!)
~> babalik sa sayang at di na kami sabay pumasok ni popoy sa work.
~> magbabasa kunwari. Magcheck ng email. Magapply kung may papatol. Magfriendster at magmultiply.
~> at marami pang iba.
Dun, totoyoin ako sa gitna ng dagat at bago pa man magkagat dilim, magsisimula akong bumalik sa baybay dagat para mag-handa sa pagbabalik ni Popoy. Maiirita dahil paulit-ulit na lang ang ginagawa. Laba. Luto. Kain. Kain. Kain. Wehehe. Linis. Laba. Luto.
Hehe..
So anong masaya sa buhay ko na super boring?
Syempre, nung dumating na si Popoy, ipaghahain ko na siya ng paborito niyang pinakbet.wehehe. na noon ko lang naman niluto. Ordinaryong araw lang yun. PAgkatapos, naghugas ako ng pinggan, nag-ayos ng higaan habang si Popoy abalang naglilinis ng katawan. Uy! Bango niya..
At tumabi na siya sa akin..yun na! Kiss na niya ako sa noo (Uy! Lola?!?) At biglang nag-thank you! Ang sarap naman..kahit pagod na ako sa maghapon ditto sa bahay..eh..may premyo pala ang lahat. At mahimbing na natulog si Bakekang habang hinihimas ang bilog niyang..tiyan! Haha..
Ayun. Masaya na ulit ako.