Tuesday, September 29, 2009

Been on hiatus for so looooooooong

I really am not that inspired to post anything as i felt that i am still a prisoner of my own incorrect decision for being so impulsive. I was not able to consider the consequences of it..but as they say..EXPERIENCE is the best teacher..

But I am so looking for that day that I can be free..from mental/emotional stress that my work has caused me for more than six month now..I still could not imagine I was able to surpass this trial.. :)

I am happy, definitely, my wish is granted. I am here is SG together with my baby and hubby. But of course, life is not just chocolates and cakes..bitter things can happen..

And it made me a better person.. a better woman.. and i am ready to the next battle..woohoo..

Now I feel sooooo good..j

Thank God I know that I am such a good girl..ahaha.. :)

Friday, March 27, 2009

Beinte Siyete

Dalawangpu't Pitong Taon sa Mundo.

Wow. Ang bilis ng panahon. At di mo akalain na may mga bagay na mangyayari sa nakalipas na taon. Super Nanay na si Bakekang at 27. AT ito ang pinakamagandang nangyari sa lahat.

Ang maging Ina kay Gab =)

Pinuno ako ng pagkakataon. Upang maging handa sa anumang pagsubok na dumaan. At nagpapasalamat ako kay Lord at ibinigay niya sa akin ang mga taong sumuporta at nanatiling tapat at naniniwala sa kakayahan ni Bakekang.

~ una kay popoy, syempre. no choice ka dahil ama ka ng anak ko at asawa ka ni bakekang. hehe. salamat. sa lahat lahat ng bagay na ibinigay mo. tunay nga na tadhana kita. kung bakit alam na natin yun. haha. salamat sa pagdating sa buhay ko. salamat sa pagbuo ng isang bata. haha. at salamat sa walang sawang pagmamahal at pang uunawa. hehe. alam mo kung gaano kita kamahal. pag-ibig nga naman. isang taon na ang lumipas..ala pa din akong bagong bouquet of roses ha. nyahaha. salamat talaga. mahal po kita. muah! muah! tsup! tsup! weheheeh..

~ syempre..kay daddy, kuya, joy, jill at john (plus my supermom, nora)..sila ang mga piraso ng puzzle ng buhay ko. ang bumubuo ng pagkatao ko. ang naging saksi sa mga kakulitan ko. ang sandigan sa mga pagkakataon na mahina na ako. ang puno ng buhay ko. salamat kay Lord at dito ako sumibol. Teka, ano nga bang bunga tayo? ahehe.

~ mga kaibigan at kapatiran..oo kayo yun. ang mga taong di ko naman ka-ano-ano, pero pinakelaman ang buhay ko. naging concern sa mga desisyon ko. naging parte ng taon na ito. kayo yun. malayo man tau ngaun. patuloy kayong makikialam sa buhay ko. at siya nga pala, salamat sa pakikialam nyo..kasi andito ako ngayon. Sana patuloy kayong makialam.

~ sa mga bagong kaibigan. Nagtiwalang may patutunguhan ang buhay nila kung parte ako ng mundong ginagalawan nila. Na masayang tinanggap ang alok kong pakikipagkaibigan. At naniniwalang, di lang ito ang taon na magkakasama kami. Pisikal man o Hindi. Hehe.

~ sa lahat ng nagmamahal kay bakekang. alam kong wala kayong ibang nais kundi ang kabutihan ng buhay ko. Salamat po.

at sa iyo na nagbabasa nito, alam kong labs mo ako kasi concern ka sa nasa isip ko. Salamat ha.

Syempre THANK YOU LORD, sa buhay na ito. Alam mo naman na loyal ako sa iyo. At patuloy akong maniniwala na mabuti akong tao dahil sa mga biyayang binibigay mo. Yehey!

Sa mga gustong bumati sa akin..ito ang number ko dito sa Singapura..+6390579897. Hehe. Yun gift na ipapadala nyo. Pede pang ihabol..si popoy babalik dito sa april!!!! yehey! buo na ulit ang pamilya ni bakekang. Kung gusto nyo naman ng cash. Pede naman western union. Ahehe.

Panalangin ko na naging masaya at kapana-panabik din ang nakaraang taon ninyo. =)

Maligayang Kaarawan sa Akin!

Sunday, February 15, 2009

Para kay Nina

Habang pinipinilit mo ang sarili mong di ka apektado.

Lalo kang binibigyan ng pagsubok para malaman ang katatagan ng paniniwala mo sa Kanya.

At habang sinasabi ng lahat na mahirap.

Pagsikapan mong patunayan na pede naman.

Kayang makapaghanap ng buhay ng marangal sa panahon ng krisis.

Yey!

Go! Go! Go! Nina sa Job hunting!!!!

Isang Paaalala sa iyong nawawalan ng pag-asa...ang iyong konsensya..

~Bakekang~

Sunday, February 1, 2009

Missing You

Three years have passed..still I remember that fateful day when God has ended all your sufferings here on earth..

When he finally called you unto his loving arms..

It is still vivid. That moment when I saw you lifeless at the hospital bed.

I can still feel the pain and probably will forever feel it. That I am so helpless at the time. I can do nothing to bring you back to life. Into your full glory. We have so many plans.

But I did surrender. To Him. I know it is His plan. I believe that you are at peace with Him now. I missed you so much and will always do..

Thank you for the wonderful memories..there will be no one like you..a mother and a friend in one..until we meet again Nanay..

more pics here. =)

~Bakekang~

Friday, January 16, 2009

Limang Taon Mula Noon

Ang video na ito dapat nun January 4 ko pa na-upload. Since umiral ang katamaran ni bakekang. Inabot na naman ng ilang araw bago ako makapag post.

This should, could, would have been the save the date video namin ni popoy. Since masyado kaming na-excite sa aming paghihiwalay sa nalalapit kong quest to the land down under. Nabago ang plano ni Lord para aming dalawa. Nanatili si bakekang sa pinas para isilang ang isang cute na cute na anghel.

Kahit di natuloy ang pangarap kong panunumpa sa harap ng altar..masaya pa din ako. Syempre naman, dahil nakuha ko na ang ninanais ko. Ang kapurihan ni Popoy!!! Ahaha..at habang pinapanood ko ang video na ito, muli kong naalala ang masaya naming buhay pag-ibig. At sa aking puso at isipan..naroon ang pangako ni Popoy..weeeeeeeh.=)

At nga pala..ako nga pala gumawa ng video na ito..pasensya na..ahem!